Friday, January 11, 2008

Still "Peeling"

Ang hirap maligo na hindi mababasa ua mo! Kakaloka grabe. Hindi ako nakaligo ng maayos mula neck hanggang sa likod dahil natatakot ako dumulas yung tubig sa kili-kili ko. Nahugasan ko most parts ng katawan ko except neck, likod at kili-kili. Kaya after maligo, kumuha na lang ako bimpo para mabasa yung hindi ko nabasa kanina.

Around lunch time nag text ako kay Ms. J if pwede maglagay ng PS (Peeling Solution) kasi wala naman ako ginagawa. Puwede naman daw. Kaya nilagyan ko.

So ngayon 11:10pm naglagay ulit ako. Gagawin ko na siyang 3x a day until tomorrow evening. 2 days kasi dapat ilalagay yung PS. Sa ngayon, nakaka 1-day pa lang ako at wala naman nagbabago. May times na makati at kapag hahawakan ay mahapdi, pero tolerable.

Hindi pa rin ako gumagamit ng cream reliever dahil wala naman skin irritation na nangyayari. Siguro kapag naligo ako ng maayos sa Sunday, dun na siya hahapdi. Base ulit sa blog na nabasa ko.

Peeling Stage

So kagabi nga around 10pm nagsimula ako nung kauna-unahang peeling ko. Siyempre nilinis ko muna ua ko. Hindi ko nga alam kung gaano karami talaga yung peeling solution na ilalagay. Sinunod ko lang yung sabi sa blog na 'to. Hindi marami, hindi konti. Basta tama lang.

Pagkalagay nung peeling solution, kailangan daw patuyuin ng mga 10-15 mins. So para malibang ako kinuha ko yung cross-word puzzle dito. After ko makatapos ng 3 puzzles nagsuot na ako pang tulog.

Habang nasa kama, napansin ko lang na kapag hahawakan ko yung ua ko ay may part na mahapdi. Pero tolerable naman hindi naman super sakit so no need for cream relievers pa since hindi pa naman namumula ua ko.

Tinago ko rin pala sa ref yung peeling solution, cream reliever at yung regular whitening cream.

At kanina naman pag gising ko, ginawa ko muna mga errands ko for the morning.... Mga 10am ako naglagay ulit ng peeling solution. Nagtataka lang ako kasi dapat malamig yung solution kapag nilagay sa ua, kasi galing siya ng ref. Nung paglagay ko sa ua ko, medyo warm siya.

As of now wala pa talaga nangyayari so I'll just have to wait. Problem ko na lang if paano maliligo na hindi nababasa ua ko. Kakaloka naman talaga o!