Friday, January 18, 2008

Almost there!

Medyo nawala na yung reddish-brown skin tone ng ua ko and sobrang bihira na rin siya maging itchy. I've noticed na nag lighten yung color ng ua ko. Hindi siya super white but nawala na yung dark skin.

May skin peeling pa rin up to now. Obvious nga na nag peel dahil may bilog sa ua ko na magkaiba yung color. Meron pa ako 4 days left until matapos peeling and maglagay cream reliever. Can't wait na nga to apply the whitening cream eh.

Napansin ko rin na walang amoy yung ua ko ngayon. Hindi ko alam if epekto ba yun ng cream reliever or natanggal lang yung old skin. Before kasi kapag hindi ako nag deo, may naaamoy talaga ako. Wala ako body odor but siyempre, may mga activities ako na hindi maiiwasang mag pawis na nagiging cause din siguro na magkaron ng amoy. Haha.

Naalala ko lang... After ko gumamit ng Rexona and Secret (palagay ko sila sumira ng color ng ua ko, hmp!), switch ako to Nivea. And Nivea girl na ako eversince. Nag lighten yung ua ng konti pero siyempre kaya ako nag try ng KJ products para tuluyan nang pumuti ua ko.

After ng cream reliever na 'to, feeling ko hindi ko na kailangan mag use nung anti perspirant deodorant. Nakalagay kasi sa instructions ni Ms. J na mas maganda yung result ng hindi nag d-deodorant.

Sabi nga ng ibang users, skins gets WORST tapos you'll get the positive results naman after. I am thinking positive so I'm hoping na maganda ang kalabasan nito.

Updated pics of my ua will be posted next week.