Pagkalagay nung peeling solution, kailangan daw patuyuin ng mga 10-15 mins. So para malibang ako kinuha ko yung cross-word puzzle dito. After ko makatapos ng 3 puzzles nagsuot na ako pang tulog.
Habang nasa kama, napansin ko lang na kapag hahawakan ko yung ua ko ay may part na mahapdi. Pero tolerable naman hindi naman super sakit so no need for cream relievers pa since hindi pa naman namumula ua ko.
Tinago ko rin pala sa ref yung peeling solution, cream reliever at yung regular whitening cream.
At kanina naman pag gising ko, ginawa ko muna mga errands ko for the morning.... Mga 10am ako naglagay ulit ng peeling solution. Nagtataka lang ako kasi dapat malamig yung solution kapag nilagay sa ua, kasi galing siya ng ref. Nung paglagay ko sa ua ko, medyo warm siya.
As of now wala pa talaga nangyayari so I'll just have to wait. Problem ko na lang if paano maliligo na hindi nababasa ua ko. Kakaloka naman talaga o!
0 comments:
Post a Comment