Friday, January 11, 2008

Still "Peeling"

Ang hirap maligo na hindi mababasa ua mo! Kakaloka grabe. Hindi ako nakaligo ng maayos mula neck hanggang sa likod dahil natatakot ako dumulas yung tubig sa kili-kili ko. Nahugasan ko most parts ng katawan ko except neck, likod at kili-kili. Kaya after maligo, kumuha na lang ako bimpo para mabasa yung hindi ko nabasa kanina.

Around lunch time nag text ako kay Ms. J if pwede maglagay ng PS (Peeling Solution) kasi wala naman ako ginagawa. Puwede naman daw. Kaya nilagyan ko.

So ngayon 11:10pm naglagay ulit ako. Gagawin ko na siyang 3x a day until tomorrow evening. 2 days kasi dapat ilalagay yung PS. Sa ngayon, nakaka 1-day pa lang ako at wala naman nagbabago. May times na makati at kapag hahawakan ay mahapdi, pero tolerable.

Hindi pa rin ako gumagamit ng cream reliever dahil wala naman skin irritation na nangyayari. Siguro kapag naligo ako ng maayos sa Sunday, dun na siya hahapdi. Base ulit sa blog na nabasa ko.

No comments: